Inanunsyo ng aktres na si Bea Alonzo ang kanyang desisyon na tapusin na ang cyber libel case laban sa entertainment reporter na si Cristy Fermin sa pamamagitan ng pagpapatawad nito.
Ayon sa opisyal na pahayag mula sa Garcia Elauria Ruanto & Associates (GERA), tinanggap ni Bea ang public apology ni Fermin at ng kanyang mga co-hosts na sina Wendell Alvarez at Romel Villamor, na kinasuhan din sa parehong kaso.
“After two years of legal proceedings & with the case pending before the Regional Trial Court, this matter has run its course under the law. The process has not been easy for any party involved. It has required accountability, reflection & fortitude,” ayon kay Atty. Joey Garcia, abogado ni Bea.
Binigyang-diin ni Garcia na ang desisyon ng kanyang kleyente ay hindi isang pag-atras o pag-urong, kundi isang hakbang ng resolusyon na nakaugat sa pagpapatawad.
Matatandaang hiniahain ni Bea ang cyber libel case noong 2024 laban kina Fermin, Alvarez, at Villamor dahil sa umano’y mapanirang pahayag sa YouTube program ng mga ito.
Ayon sa aktres, pinili niyang mag-move on matapos nilang maglabas ng public apology. “She views this chapter not as something to carry forward but as something to close, with grace, dignity & peace,” dagdag ng abogado ni Bea.
Bukod dito nais din daw ituon ng aktres ang kanyang trabaho sa mga adbokasiya nito, at mag-bigay ng inspirasyon sa iba, lalo na sa mga humaharap sa kanilang sariling tahimik na laban.














