-- Advertisements --

Tinanggap ng actress na si Bea Alonzo ang imbitasyon ni John Lloyd Cruz na bumisita sa bahay nila kasama ang nobyong si Vincent Co.

Nagsimula ito sa comment ng actor sa social media post ng actress.

Dagdag pa nito na magluluto ang nobya niyang si Isabel Santos ng makakakain nila.

Magugunitang noong Agosto ay kinumpirma ng actress ang relasyon niya kay Vincent na kasalukuyang pangulo ng Puregold.

Magkasama naman sa maraming pelikula sina John Lloyd at Bea kaya naging malapit na sila sa isa’t-isa.