-- Advertisements --

Pinag-uusapan sa social media ang posibleng kasal nina actress Bea Alonzo at ang kanyang boyfriend na si Vincent Co matapos lumabas ang kanilang pangalan sa marriage banns ng St. Peter the Apostle Parish noong Marso 8.

Sa livestream ng simbahan, ini-anunsyo ang kanilang planadong kasal batay sa tradisyong Katoliko. Ayon sa tagapagsalita ng simbahan, lumabas sa screen:

“Dear parishioners, we are announcing the marriage banns of the proposed marriage of… Ferdinand Vincent Pe Co, 44 years old, son of Lucio L. Co and Susan Sy Pe …, who will be married to Phylbert Angelli Escalante Ranollo, 38.”

Screengrab from: St. Peter the Apostle Parish, Manila

Ibinahagi rin sa anunsyo na pareho na silang naninirahan sa isang luxurious area sa Paco, Manila.

Noong Agosto 2025, kinumpirma ni Alonzo na siya ay may relasyon kay Co, presidente ng sikat na supermarket, kahit na napapansin na silang dalawa sa ilang social at corporate events bago pa man ang opisyal na anunsyo ng aktres.

Sa kabila ng mga usap-usapang engagement, sinabi ng aktres na nais niyang panatilihing pribado ang kanyang relasyon.

“Alam mo, inuunahan ng mga tao ang lahat ng pangyayari sa buhay ko. I have nothing to clarify, and I want to keep things private. There is nothing to say, actually. I’m very happy. Huwag na kayo maghintay kasi wala namang grand reveal. I want to focus on my personal life being private right now,” pahayag pa ng aktres.

Noong Oktubre 2025, pinabulaanan din niya ang mga pregnancy rumors, na sinabi niyang maling interpretasyon lamang ng mga kuha ng larawan at video.

Si Bea ay nakatakdang gumanap bilang lead star sa darating na Whispers from Heaven kasama si Tom Rodriguez, bagaman hindi pa inilalabas ang opisyal na premiere date ng naturang serye.