Ikinasal na ang aktres na si Bea Alonzo sa nobyo nitong si Vincent Co.
Kinumpirma ito ng talent manager na si Ogie Diaz ang pag-iisang dibdib ng dalawa.
Ginanap ito sa Makati City Hall noong Hulyo 13 dakong ala-7 ng gabi kung saan pinangunahan ni Mayor Nancy Binay ang seremonya.
Walang mga dumalong kaanak ng dalawa at tanging mga may-ari ng bag brand ang dumalo sa nasabing kasal.
Nakita rin ni Diaz ang ilang mga larawan ng pag-iisang dibdib maging ang kanilang marriage certificate.
Ibinahagi rin ni Makati City Mayor Nancy Binay sa kaniyang social media ang larawan nila ng aktres.
Magugunitang noong Marso ngayong taon ay inilathala ang wedding banns ng dalawa sa isang simbahan sa Maynila kung saan hindi naman kinumpirma ito ng dalawa.
Habang noong Mayo ay kumalat din ang usapin na maaaring ikasal ang dalawa sa Spain.
















