-- Advertisements --

Nagpaabot ng simpatiya si Taiwan President Lai Ching-te sa mga biktima at kanilang pamilya kaugnay ng naganap na metro attack sa Taipei.

Ayon sa mga awtoridad, isang 27-taong gulang na suspek ang nagtanim ng smoke bombs sa pangunahing metro station ng Taipei bago magsagawa ng pananaksak.

Matapos isagawa ang karumal-dumal na krimen, nagpakamatay ang nasabing suspek.

Tatlong katao ang nasawi sa insidente: isa sa pangunahing istasyon, isa sa underground ng pamilihang distrito, at isa naman sa metro shop.

Samantala, hindi pa matiyak ng mga awtoridad ang motibo ng suspek.

Bumisita si Pres. Lai sa lugar ng insidente at nangakong isisiwalat ang tunay na dahilan ng pangyayari.

Ipinangako rin niya ang transparency sa imbestigasyon upang matiyak ang hustisya para sa mga biktima.