-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos ang ginawang pananaksak ng isang lalaki sa central Taipei.
Nasawi ang suspek matapos na tumalon sa gusali noong ito ay habuling ng mga kapulisan.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nag-iwan pa ng smoke bomb ang suspek sa main train station at lumipat sa malapit sa subway station sa busy shopping district.
Doon ay walang habas na pinagsasaksak ng suspek ang mga nasa loob ng train.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na mayroong criminal record at nakabinbin na warrants ang suspek.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.
















