-- Advertisements --

Naging mabunga ang ginawang pag-uusap sa telepono nina US President Donald Trump at ilang mga European Leaders.

Isinagawa ang pag-uusap ilang araw bago ang nakatakdang pagkikita ng personal nina Trump at Russian President Vladimir Putin sa Anchorage City sa Alaska.

Nagbigay ng suporta si Trump sa panukala ni Zelensky na dapat ay mayroon ng ceasefire at matiyak ang siguridad.

Tiniyak din ni German Chancellor Friedrich Merz na kasama niya ang ilang lider ng Europa na magiging maganda ang pulong nina Putin at Trump kung saan makakamit ang tunay na kapayapaan.