Duterte naia
President Rodrigo Roa Duterte

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao vice mayor at acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte na relax lamang ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos mangyari ang magnitude 6.9 na lindol kahapon.

Una nang iniulat ng bise alkalde na nasa Davao ang kanyang ama para magpahinga ngunit hindi na umano ito lumabas sa kanilang bahay.

Kung maalala, nasa sa Davao rin ang Pangulo nang mangyari ang malakas na lindol noong nakaraang Oktubre 31.

Sinabi naman ni Baste na nasa gate na ng kanilang bahay ang Pangulo ng mangyari naman ang aftershocks.

Wala rin umano silang nakikitang mga bagong bitak sa bahay ng Pangulo maliban lamang sa kanilang nadiskubre ng mangyari ang lindol noong nakaraang buwan ng Oktubre.

Nanawagan na lamang ang bise mayor sa publiko na manatiling alerto at iwasan ang mag-panic para maiwasan ang disgrasya.