Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade, na gumawa ng paraan para magkaroon ng maraming upuan sa mga Ninoy Aquino International Airport para ang mga stranded na pasahero na gusto ng umuwi.
May kaugnayan ito sa maraming mga locally stranded individuals na doon na sa gilid ng kalsada natutulog sa labas ng airport terminals.
Sa kaniyang talumpati nitong Martes ng gabi, napansin ng pangulo ang kaawa-awang kalagayan ng mga LSI na doon na sa gilid ng kalsada natutulog.
Kung maaari aniya na matanggal ang mga establishimento sa harap ng paliparan para malagyan ng mga upuan.
Ipinag-utos din ng pagulo kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na kausapin ang lahat ng mga locally stranded individuals at sasagutin na ng pangulo ang mga pagkain at matutuluyan ng mga ito.