Karlo Nograles
Karlo Nograles

Kinontra ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang igigiit sa kaniyang pagbisita kay Chinese President Xi Jinping ang arbitral ruling.

Ayon sa kalihim kung siya ang magdedesisyon ay dapat huwag magpadalos-dalos ang Pangulo at hintayin na lamang ang tamang panahon para ito ay pag-usapan.

Paglilinaw naman nito na nakadepende pa rin sa Pangulo ang desisyon nito kung igigiit niya ito sa Chinese President.

Nauna rito, inanunsiyo ng Pangulo na kaniyang kakausapin ang Chinese leader para igiit ang arbitral ruling sa kanyang ika-limang pagbisita ngayong buwan sa China.