-- Advertisements --
Idineklara na ng Palasyo ng Malakanyang na special non-working holiday sa buong bansa ang Mayo 9, Lunes.
Ito ang araw kung saan gagawin ang national at local elections.
Ginawa ito na hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga botante na bomoto sa kondisyon na susundin ang public health measures ng national government.
Nauna nang inirekomenda ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Duterte na ideklara ang Mayo 9 bilang special non-working holiday upang matiyak ang buong partisipasyon sa pambansa at lokal na halalan ngayong taon.
Magugunitang mayroong humigit-kumulang 65.7 milyong lokal na rehistradong mga botante at 1.69 milyong botante sa ibang bansa para sa halalan ngayong taon.