-- Advertisements --

Nagtamo ng dalawang saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib ang Transport Network Vehicle Services (TNVS) driver na si Raymond Cabrera batay sa naging resulta ng kaniyang autopsy report.

Batay sa otopsiya, isang kitchen knife umano ang maaring ginamit sa pananaksak at kasalukuyan na ring hinahanap ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kasunod naman nito ang sumukong tatlong suspek na siyang nahaharap na sa pataong-patong na reklamo ng robbery-homicide ay sumailalim na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) nitong Sabado.

Batay sa mga otoridad, nasa advanced state of decomposition na ang mga labi ni Cabrera nang matagpuan ito sa isang liblib na lugar sa Nueva Ecija.

Positibo ding kinalala ng anak ng biktima ang katawan nito sa pamamagitan ng sapatos na suot nito at maging sa screw nito sa braso dulot ng isang aksidente.

Samantala, kasalukuyan namang sumailalim na ang labi ni Cabrera sa DNA test at hinihintay na lamang ang resulta nito nang pormal nang mai-turn over ang katawan ng biktima sa kaniyang pamilya.