-- Advertisements --

Hinikayat ng Malakanyang ang lahat ng mga government agencies, local government units at maging ang private sector na suportahan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., i-promote ang kamalayan ng lahat na ang Pilipinas ay isang maritime and archipelagic nation.  

Ito’y kasunod sa inilabas na Memorandum Circular No. 87 ng Office of the President  na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro dapat lamang na ipromote ang pagtataguyod sa Pilipinas bilang maritime and archipelagic nation.

Binigyang-diin ni Castro nararapat lang ipagtanggol ang ating sovereign rights laban duon sa mga nais sakupin ang ating teritoryo.

Nanawagan din ang Palasyo sa publiko na magkaisa ang lahat at ipagpunyagi ang pagiging pro-Philippines.

Layon ng nasabing memorandum magkaroon ng inter-agency cooperation and collaboration sa pagsulong ng kamalayan sa maritime at archipelagic tungo sa  pag-unlad, seguridad at proteksyon ng maritime domain ng bansa.