-- Advertisements --

Nakatanggap ng pagbabanta ang ilang judges ng Pasig Regional Trial Court (RTC).

Kinumpirma ni Supreme Court spokesperson Camille Ting ang nasabing pagbabanta kung saan target ang mga huwis.

Isinagawa ang nasabing pagbabanta sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa mga Pasig RTC.

Hindi naman nagbigay si Ting ng ibang detalye ukol sa nasabing pagbabanta.

Dahil dito ay dinagdagan ng SC ang seguridad sa Pasig RTC para matiyak ang kaligtasan ng mga judges, court personnel at mga nagtutungo doon.

Hinikayat nila ang publiko na maging vigilant at suportahan ang judicial process na may tiwala at respeto.

Ang Pasig RTC kasi ay siyang mga may hawak ng mga kasong iniuugnay kay Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ at si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.