Pinalawig at uumpisahan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng P20 rice sa ilalim ng ‘Benteng Bigas Meron Na!’ program ng administrasyon sa La Union, Baguio City.
Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Baguio, mga farmer cooperatives and associations (FCA’s) ang programa ay pormal na inilunsad nitong Martes at binuksan ngayong araw kasabay sa ika-35 na anibersaryo ng Luzon Earthquake noong 1990.
Nakapagdeliver ng higit sa 150 na sako ng bigas ang National Food Authority (NFA) sa tulong ng Food Terminal Inc. (FTI) sa Baguio City na siyang naging benepisyaryo sa hindi bababa sa 750 na indibidwal na binubuo ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s), senior citizens, solo parents, at maging ng mga persons with disability.
Habang karagdagang 100 sako naman ang naibenta sa La Union na natanggap naman ng higit 500 residente.
Ayon kay Agriculture Secetary Francisco Tiu Laurel Jr., ang pagpapalawig ng prgrama ay bahagi pa rin ng inaasam ng ahensya na mas maraming Pilipino ang makikinabang sa naturang programa.
Aniya, target ngayon ng kanilang tanggapan na maaabutan ang higit sa 15 milyong pamilya o katumbas ng higit sa 60 milyong indibidwal na siyang halos kalahati ng kasalukuyang populasyon ng bansa, hanggang matapos ang taong 2026.
Samantala, tiniyak naman ng kalihim na hindi lamang ito bsta isang one-time initiative at nangkong ipagpapatuloy hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028 para matiyak ang food security hbang pinapalakas ang kakayahan ng mga lokal na magsasaka.