-- Advertisements --

Nakauwi na sa Pilipinas ang walong seafarers ng MV Eternity C na inatake ng Houthi rebels sa Red Sea.

Pinangunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang pagsalubong sa mga seafarers na dumating sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1 nitong gabi ng Hulyo 16, 2025.

Bago ang pagdating ng mga ito ay nabigyan na sila ng paunang tulong mula sa Philippine Consulate General sa Jeddah, Saudi Arabia.

Lahat ng mga ito ay mabibigyan ng financial assistance sa pamamagitan ng Aksyon Fund ng DMW, Emergency Repatriation Fund mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Office.

Ganun din ay mabibigyan ang mga ito ng comprehensive reintegration support mula sa Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) .

Magugunitang inatake ng mga Houthi rebels ang Greek-owned bulk carrier naMV Eternity C noong Hulyo 7 at 8 habang sila ay nasa Red Sea.