Sa huling press conference bago ang kanilang laban, muling nagharap sina Manny Pacquiao at Mario Barrios —parehong may ngiti sa labi at magalang sa isa’t isa.
Ngunit ayon sa kanila, iba na ang magiging eksena sa ring sa darating na Sabado sa MGM Grand, Las Vegas.
Nagpahayag naman si Barrios, na WBC welterweight title, ng respeto kay Pacquiao ngunit determinadong ipagtanggol ang kanyang titulo.
‘Manny is a very likable person. I can’t think of anything bad to say about him other than he’s facing me for my title. It’s all smiles right now, it’s been like that since the lead-up, but come fight night, that smile is not going to be on his face and it’s not going to be on mine,’ ani Barrios.
Matatandaang si Pacquiao, 47, ay nagbabalik sa ring matapos ang apat na taong pagreretiro, na nangakong magbibigay ng isang totoong laban para sa mga fans.
“Our job is to entertain the fans with a real fight. Not a boring fight,” ani Pacquiao.
Ayon naman sa trainer ni Barrios,’ sumailalim ito sa isang matinding 14-linggong training camp at handa raw ito sa isang matinding laban para sa People’s Champ.
Habang si Pacquiao ay naghahangad ng kasaysayan bilang magiging ikalawang pinakamatandang kampeon sa boxing history.