-- Advertisements --
Lalo pang lumawak ang mga lugar na apektado ng tropical depression Crising.
Huli itong namataan sa layong 335 km hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes o 545 km silangan ng Baler, Aurora.
Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 km/h malapit sa gitna, at bugso ng hangin na hanggang 70 km/h.
Naka-taas ang Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon at rehiyon ng Bicol.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), Isabela, Quirino, at hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya at Aurora.
Apektado rin ang ilang lugar sa Cordillera, Ilocos Region, Polillo Islands, Camarines Norte, hilagang Camarines Sur, at Catanduanes.