Palaging bukas ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng makabuluhang suhesyon at mga rekomendasyon na maga-angat sa buhay ng mga Pilipino.
Pahayag ito ni Palace Press Officer Usec Claire Castro, kasunod ng sinabi ng Office of the Vice President (OVP) na hindi umano sinusuportahan ng pamahalaan ang pondo ng kaniyang tanggappan para sa mga proyekto at programa ng OVP.
Sa press briefing sa Malacañan, sinabi ni Castro na welcome at hindi kailanman tatanggihan ng admnistrasyon ang mga magagandang suhesyon mula sa OVP.
Handa aniyang makinig si Pangulong Marcos sa mga ito.
Sabi ng opisyal, mayroong pagkakataon noon na nagpahayag si VP Sara na alam niya ang formula para mapababa ang presyo ng bigas sa Pilipinas, ngunit tumanggi itong ibahagi sa pamahalaan, dahil ayon kay VP Sara, ayaw niyang tulungan ang adminstrasyon.
Ibig sabihin, hindii aniya sa pamahalaan at hindi rin kay Pangulong Marcos nagmu-mula ang mga sinasabing pangha-harang sa mga nais niyang gawin sa taombayan.