-- Advertisements --

Inatasan na ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na maglatag ng mga paghahanda para sa maagap na pagresponde sa inaasahang epekto ng bagyong Crising at Habagat.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nagtaas na sa “blue alert status” ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para maihanda ang mga kagamitan at tauhan sa pag-responde.

Kasalukuyang nagsasagawa na rin ng pre-disaster risk assessment ang ahensiya para mapaalalahanan sa mga paghahanda sa bagyo.

Pinatitiyak naman sa DOST-PAGASA ang patuloy na paglalabas weather  update.

Bukod sa NDRRMC naka alerto din ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa paghahatid ng tulong sa mga kababayan natin na apektado ng bagyo.