Good luck!
Ito ang tugon ng Palasyo sa inihaing ‘President Rodrigo Duterte Act’ ni Senator Imee Marcos.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na bahagi ng trabaho ng mga senador ang gumawa ng makabuluhang batas para sa taumbayan at ikauunlad ng bansa, at hindi lang daw para sa pansariling kapakanan.
Nabatid na bago ang paghahain ng panukala, nagsagawa rin ng senate inquiry ang Senadora sa ginawang pag aresto at pag turn over kay Duterte sa ICC.
Batay sa explanatory note ng nasabing panukala, layunin nitong maiwasan ang mga kaso ng extraordinary rendition o pwersahang pag-turn over ng mga akusado sa mga dayuhang korte, tulad ng kinakaharap na sitwasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Ang sinumang lalabag ay maaaring makulong nang hanggang 20 taon.