Reading Time: 1 minute
DUTERTE DU30
Pres. Duterte

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong bersyon ng Security of Tenure bill matapos na ito ay kaniyang nai-veto noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na ang bagong panukalang batas ay maaaring pagtulungang gawin ng mga labor officials at grupo ng mga mambabatas.

Nilinaw din ng kalihim na kanilang pinag-aaralang mabuti ang nasabing panukalang batas at maging ang lamang ng pag-veto ng pangulo.

Nanawagan din ito sa mga manggagawa na huwag pabigla-bigla dahil sa hindi pa tapos ang kanilang isinusulong na batas.