Mas magiging agresibo ang kamara ngayong 20th congress sa pagsusulong ng mga batas na may kinalaman sa sahod at presyo ng langis at sisiguraduhin ang koordinasyon at maagap na aksiyon para maisulong agad ang mga mahahalagang panukalang batas.
Ayon kay Tingog party-list Representative Jude Acidre, hindi minamadali ang mga mahahalagang panukalang batas dahil may ilang sektor na dapat makunsulta.
Reaksiyon ito ni acidre sa panawagan na dapat mas unahin para agad na mapagtibay ang mga panukalang batas na “malapit sa sikmura”.
Ngayong 20th congress, ipinapawagan na isulong ang repeal sa oil deregulation law dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa isyu naman ng taas-sahod, pinuna ang mabagal na aksiyon ng kamara sa isyu ng legislated wage hike kaya hindi naipasa bago ang sine die adjourment ng 19th congress.