Nagbigay babala ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ng Maynila na si Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso sa mga indibidwal na may masasamang balak o intensyon gumawa ng krimen sa naturang lugar.
Binalaan ng alkalde ang mga ito na sila’y ipahahanap sa mga awtoridad o Pulis Maynila upang ang mga kriminal nananatili sa lungsod ay mahuli at tuluyang maipakulong.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, seryoso ang kanilang mga pahayag sa pagharap nito at paggawa ng aksyon laban sa mga kriminal na patuloy nambibiktima lalo na habang nasa lungsod ng Maynila.
Ang kanyang pahayag ay kasunod lamang ng kanyang iharap sa publiko ang Top 2 at Top 8 most wanted ng Manila Police District na siyang naaresto kamakailan.
Timbog kasi ang isang 45-anyos na lalaki sa Tondo, Maynila at pati 40-taon gulang suspek sa kanilang magkapareho na kasong ‘murder’ na kinakaharap.
Kaugnay pa rito’y iniharap din ng alkalde sa publiko ang isa pang nahuli ng Manila Police District na mandurukot.
Kumalat anila ang post online matapos makunan ng video ang suspek sa loob ng LRT o Light Rail Transit sa Maynila kung kaya’t nahaharap ito sa kasong ‘theft’ o pagnanakaw.
Bunsod sa pagkakahuli ng ilang mga kriminal kasabay ng papalapit na Pasko, babala ng alkalde na kanilang titiiyakin mahuhuli ang mga ito.
“Kaya ngayon magpapasko baka maraming gustong bumalak… I’ve been telling everyone, basta ginawa niyo sa Maynila magtago na kayo sa lelang niyong panot,” ani Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso.
“Men and women uniformed personnel of the Manila Police District through the leadership of General Abad, we’ll go after you. We will go after you. I don’t mind waiting, but I’ll make sure justice will be done,” dagdag pa ni Mayor Isko Moreno.
Naniniwala ang naturang alkalde na ang mga taga-Maynila ay may karapatan na makapamuhay ng may kapanatagan sa kanilang kaligtasan.
















