Naglabas ang Manila Police District (MPD) ng traffic rerouting scheme para sa mga motorista bilang paghahanda sa Traslacion 2026 na gaganapin sa Biyernes, Enero 9.
Ang taunang prusisyon ay bahagi ng Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno at dinadaluhan ng milyon-milyong deboto sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa MPD, 16 na pangunahing kalsada ang pansamantalang isasara simula alas-9:00 ng gabi ng Huwebes, Enero 8, upang bigyang-daan ang mga aktibidad kaugnay ng Traslacion:
- Bonifacio Drive (northbound at southbound)
- Katigbak Drive at South Drive (isang lane lang ang bukas para sa Manila Hotel at H2O Hotel)
- Independence Road
- P. Burgos (eastbound at westbound)
- Finance Road (eastbound at westbound)
- Ma. Orosa Street (northbound at southbound)
- Taft Avenue (northbound at southbound)
- Romualdez
- Ayala Boulevard (northbound at southbound)
- C. Palanca (northbound at southbound)
- P. Casal (northbound at southbound)
- Legarda Street (northbound at southbound)
- Quezon Boulevard (northbound at southbound)
- Lerma (westbound)
- McArthur Bridge (northbound at southbound)
- Jones Bridge (northbound at southbound)
Bukod sa mga pagsasara ng kalsada, magpapatupad din ang MPD ng traffic rerouting scheme sa parehong petsa upang mapanatili ang daloy ng sasakyan:
- Lahat ng sasakyang patungong timog mula Mel Lopez Blvd. (R-10) papuntang Roxas Blvd. ay kailangang kumanan sa Capulong St., dumiretso sa Yuseco St., patungong Lacson Ave., bago magtungo sa kani-kanilang destinasyon (old truck route).
- Ang mga sasakyang mula A. Mendoza St. patungong Quezon Blvd. ay kailangan namang kumanan sa Fugoso St., dumaan sa Rizal Ave.
- Ang mga sasakyang mula sa westbound lane ng España Blvd. patungong Quezon Blvd. ay kailangang dumiretso sa N. Reyes St., patungong C.M. Recto Ave..
- Ang mga sasakyang mula Rizal Ave. southbound na gagamit sana ng McArthur Bridge patungong timog ay kailangang kumanan sa C.M. Recto Ave., kumaliwa sa Legarda St., at magtungo sa destinasyon.
- Ang mga sasakyang mula J. Abad Santos Ave./R. Regente patungong Intramuros ay kailangang kumanan sa San Fernando St., kumaliwa sa Madrid St., kumaliwa sa Muelle de la Industria, at dumaan sa Binondo–Intramuros Bridge patungong A. Soriano Ave. Maaari ring dumaan sa Juan Luna St., kanan sa Muelle de la Industria, at sa Binondo–Intramuros Bridge.
- Ang mga light vehicles na magmumula naman sa Bonifacio Drive ay maaaring dumaan sa Anda Circle, kumaliwa sa A. Soriano Ave.
Pinaalalahanan ng MPD ang publiko na maglaan ng karagdagang oras sa biyahe, sundin ang mga traffic enforcer, at gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala sa araw ng Traslacion.
















