-- Advertisements --

Pormal nang binuksan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang bagong Children Learning Center sa Jeddah.

Pinangunahan ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang pagbubukas ng learning center para sa mga batang nasa kustodiya at inaalagaan ng mga Migrant Workers sa Bahay Kalinga.

Layon ng pagppatayo ng center na hindi mapagiwanan ang mga bata sa kanilang karapatan sa edukasyon at sa kaalaman.

Ang naturang inisyatibo naman ay isang proyekto sa ilalim ng Philippine Consulate General, Migrant Workers Office, at ng ilan pang mga Filipino Community Groups at mga Overseas Filipino Workers Advocates sa naturang bansa.

Samantala, ilan naman sa mga bata na nasa Bahay Kalinga ay nahihirapan makauwi dahil ang kanilang mga magulang ay mga travel ban pang kinakaharap.

Sa kasalukuyan, nasa higit 28 mga bata ang nananatili sa Bahay Kalinga na mapagseserbisyuhan ng center.

Tiniyak naman ni Cacdac na pagagandahin at palalawalakin pa nila ang center sa mga susunod na buwan.