-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang pagkaka-aresto ng anim na Pinoy.

Ang mga naturang Pinoy ay pawang domestic workers at naaresto pa noong Agusto-17, 2025.

Kabilang sa mga dahilan ng pag-aresto sa kanila ay ang umano’y paglabag sa mga kondisyon ng kanilang pananatili sa Hong Kong sa pamamagitan ng unauthorized employment at pagpapatakbo o pakikibahagi sa ilang mga negosyo.

Ilan din sa kanila ay nagpakilala umano bilang mga dentista gayong hindi naman dentista ang mga ito.

Sa kasalukuyan ay naka-detene ang mga ito sa Hong Kong Immigration Department (HK ImmD).

Samantala, tiniyak naman ng konsulada ang sapat na assistance sa 6 na Pinoy. Nakipag-ugnayan na rin ang naturang opisina sa Foreign Domestic Helpers Section (HK ImmD) habang gumugulong ang pagsisiyasat sa kanilang kinasasangkutang kaso.