-- Advertisements --

Naghain ang Women Liberal Party ng isang panukalang bata sa Kamara na layong alisin ang mandatoryong kontribusyon sa PhilHealth para sa ating mga overseas Filipino workers (OFW). 

 Ang panukalang batas na ito ay naglalayong magbigay-ginhawa sa mga OFW na nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kinilala ang proposed bill bilang House Bill 6355 na inihain nina Rep. Leila de Lima, Rep. Kaka Bag-ao, at Rep. Cielo Krisel Lagman. 

Sa pamamagitan ng House Bill 6355, layunin nilang amyendahan ang Section 4(f) ng Universal Health Care Act upang gawing boluntaryo na lamang ang pagbabayad ng kontribusyon sa PhilHealth para sa mga OFW. 

Punto ng mga mambabatas na  hindi lubusang napapakinabangan ng mga OFW ang mga benepisyo ng PhilHealth habang sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Umaasa naman ang  LP Tres Marias na mabilis na uusad ang panukalang batas sa Kamara.