-- Advertisements --

Ibinida ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), na sapat na ang network ng mga accredited hospitals at health facilities nito para pagsilbihan ang mga miyembro nito sa buong bansa.

Sinabi ni PhilHealth spokesperson Dr. Israel Francis Pargas na halos 98% ng mga ospital sa bansa ay accredited na, habang ang natitirang 2% ay hindi lisensyado o nagsara na.

Kasalukuyan ding ina-accredit ng PhilHealth ang humigit-kumulang 10,000 health facilities, kabilang ang mga ospital, clinics, surgical centers, birthing facilities, HIV laboratories, at animal bite treatment centers.

Dagdag pa ni Pargas, plano ng PhilHealth na palakasin at palawakin ang benefit packages nito, na dumadaan sa financial at actuarial studies upang matiyak ang sustainability.

Matatandaan na iniutos ng Supreme Court ang pagbabalik ng P60 billion ng PhilHealth funds na nailipat sa National Treasury, at sinabi ng mataas na hukuman na dapat gamitin ang pondo alinsunod sa Universal Health Care Act, kabilang ang pagpapalawak ng mga benepisyo ng miyembro nito.