-- Advertisements --

Aktibong pinakilos ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang national headquarters, mga regional chapters, at volunteers bilang paghahanda sa paparating na bagyong Uwan.

Ito ay matapos pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo noong Biyernes ng gabi at inaasahang lalakas pa ito sa susunod na 24 oras.

May taglay itong lakas ng hangin na 140 km/h malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 170 km/h.

Posibleng mag-landfall ito sa timog na bahagi ng Isabela o hilagang bahagi ng Aurora sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw.

Inaasahan ang malalakas na pag-ulan, mapanirang hangin, at storm surge sa ilang bahagi ng Luzon, Bicol, Eastern Visayas, at Mindanao.

Bilang tugon, nagsagawa na ang PRC ng nationwide readiness operations kabilang ang pag-iimbentaryo ng kagamitan, koordinasyon, at pag-alerto sa mga RC143 volunteers.

Inilalagay na rin ang mga relief goods at rescue assets sa mga vulnerable areas.

Nanawagan din ang PRC sa publiko na manatiling alerto, subaybayan ang lagay ng panahon, at makipag-ugnayan sa PRC Hotline #143 para sa tulong.