pope francis 3
Pope Francis

Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 si Pope Francis.

Kasunod ito ang napaulat na mayroong isang residente ng Vatican ang nagpositibo sa coronavirus.

Nananatiling nakabukod ang 83-anyos na Santo Papa mula ng sipunin ito noong nakaraang buwan.

Itinuturong isang hindi na pinangalanang lalaki ang itinakbo sa pagamutan sa Rome matapos dapuan ng virus.