-- Advertisements --

Mananatili ng ilang araw sa pagamutan si Pope Francis dahil sa hirap nito sa paghinga.

Paglilinaw ng Vaitcan na nagkaroon lamang ng respiratory problem at hindi ito positibo sa COVID-19.

Bantay sarado ito ng mga Vatican staff at security ang Gemelli Hospital kung saan dinala ang 86-anyos na Santo Papa.

Nitong Miyerkules ay pinangunahan pa ng Santo Papa ang lingguhang misa sa St. Peter’s Square.

Hindi naman tiyak ng Vatican kung pangungunahan ng Santo Papa ang Palm Sunday mass ganun din ang ilang aktibidad para sa Semana Santa hanggang Easter Sunday.

Nagalak naman ang Santo Papa dahil sa mga natanggap nitong pagdarasal para sa agaran nitong paggaling.

Magugunitang noong nakaraang taon ay sumailalim na ito sa operasyon dahli sa pananakit ng kaniyang colon.

Kahit na mayroon na itong problema sa kalusugan ay aktibo pa rin ang Santo Papa sa pagbiyahe kung saan noong Pebrero ay bumisita ito sa Democratic Republic of Congo at South Sudan.

Una ng sinabi nito na siya ay bababa sa puwesto sakaling tuluyang lumala ang kaniyang sakit.