Humingi ng tawad ngayong Lunes, Nombyembre 3, sa Philippine National Police (PNP) at sa publiko si Daryll “Dha” Isidro na nag viral online kaugnay ng pagsout nito ng uniporme ng pulis sa isang halloween party na ginanap sa Makati City.
Ginawa ni “Dha” ang pag-hingi ng tawad sa mismong tanggapan ng National Police Commission (NAPOLCOM) katabi si NAPOLCOM vice chairperson and executive officer Rafael Calinisan.
Ayon kay Daryl, kaya umano naisipan niya na magsout ng uniporme ng pulis, bilang costume sa holloween party, dahil sa malaki aniya ang paghanga nito sa mga kapulisan. Kinokonsindera rin niya ang mga superhero na nagtatangol sa mamamayan, hindi niya umano naisip na nahahantong sa muntikang pagkakakulong ang kaniyang ginawa.
‘Hindi ko po inaakala na hahantong sa ganitong sitwasyon ang paggamit ko ng uniporme bilang costume sa isang Halloween party at magiging isang usapin. Muli po akong humihingi ng kapatawaran,’ ani Isidro.
Tinanggap naman ni NAPOLCOM Vice chairperson at executive officer, Rafael Vicente Calinisan, ang paghingi ng tawad ni Daryl kung saan pinunit pa nito sa kanyang harap ang show cause order laban sa kanya.
‘Wala na ito, siguraduhin mo lang na ‘wag mo nang uulitin. Nagsisi na si Daryll, at magsilbi itong leksyon sa iba,” ani Calinisan, na muling nagpaalala na bawal at ilegal ang paggamit ng uniporme ng pulis.
Dagdag pa ni Calinisan, na bagama’t mali ang ginawa ni Daryll ay dapat patawarin nalamang ito ng kapulisan sapagkat kusa naman daw itong sumuko at humingi ng tawad.
Samantala, inihayag din ni Calinisan na magpapatupad siya ng inspeksyon sa Raon, Quiapo, Manila kung saan umano nabili ni Isidro ang uniporme. Ayon sa kanya, kailangang tingnan kung bakit malayang nabibili ng publiko ang mga tunay na uniporme ng PNP.
‘Hindi dapat nabebenta ‘yan sa kahit sino na lang….Isipin niyo tunay na uniporme ang ginamit sa Halloween costume party, tunay na badge ng pulis ang ginamit, ginupit lang yung badge number,’ pahayag ni Calinisan.
Nilinaw naman nito na hindi porket pinatawad si Daryll ay papatawarin din ang mga mahuhuling gagawa ng parehong pagkakamali, batay kasi sa Article 179 ng Revised Penal Code, ang sinumang gagamit ng uniporme o insignia ng kapulisan na hindi kasapi ay maaaring makulong mula isang araw hanggang anim na buwan.
Samantala, sinabi ni PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na iimbestigahan pa rin nila ang insidente, at ipinaalala na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng uniporme o insignia ng pulis nang walang pahintulot.















