Boluntaryong sumuko na ang anim pang natitirang kapulisan na miyembro ng Philippine National Police Drug Enforcement Group–Special Operations Unit (PDEG-SOU) sa Region 4A na isinasangkot sa pagnanakaw at pangggagahasa sa Bacoor, Cavite.
Ayon kay PDEG acting director Brig. Gen. Elmer Ragay na nagtungo ito ng pesonal sa PDEG regional office para tignan ang pagsuko ng mga kapulisan.
Dinala na ang anim na pulis kasama ang walong unang sumuko sa PDEG headquarters at sila ay pormal na sinampahan ng kasong robbery in band at rape.
Bukod pa dito ay mayroong kasong administratibo silang kakaharapin sa National Police Commission (NAPOLCOM).
Dagdag pa ni Ragay na ang mga pulis ay tinanggal sa kanilang puwesto at inilagay sa restrictive custody.
Paglilinaw nito na tanging ang unit commander lamang ng mga sangkot na pulis ang pinalitan habang ang hindi sangkot ay mananatili sa puwesto.
















