-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng National Police Commission na kanila nang pinag-aaralan ang paghihigpit sa mga panuntunan sa manufacturing at distribusyon ng official PNP uniform.

Layon ng hakbang na ito na maiwasan ang hindi awtorisadong paggamit ng uniporme ng Philippine National Police.

Ayon sa NAPOLCOM, dumarami ang mga illegal na nagbebenta ng uniporme ng PNP.

Karamihan sa mga nagbebenta nito ay sa paligid ng PNP National Headquarters maging sa mga online platforms.

Naniniwala ang komisyon na ito ay nakakasira sa integridad ng opisyal na kasuotan ng PNP.

Binigyang-diin ni NAPOLCOM Vice Chair at Executive Officer Comm. Rafael Calinisan na ang uniporme ng PNP ay simbolo ng integridad, propesyonalismo, at tiwala ng publiko, kaya dapat itong protektahan.

Tiniyak din niya na paiigtingin ang pagpapatupad ng regulasyon upang matiyak na mga lehitimong supplier lamang ang gagawa at magbebenta ng uniporme ng PNP.