-- Advertisements --

Naglabas na ng reaksyon ang aktres na si Rhian Ramos sa kinasangkutan nitong kontrobersya.

Inamin ng aktres na sa nagdaang mga linggo ay labis na stress ang kaniyang naramdaman.

Pero naniniwala nito na mananaig pa rin ang katotohanan.

Hindi na rin ito nagbigay pa ng ibang detalye dahil hinihintay na lamang nila ang ilang mga kaso na maaring isampa rin niya.

Magugunitang inireklamo ang aktres kasama si Michelle Dee ng dati nitong drayber dahil sa pananakit umano sa kaniya.

Nagbunsod ang kaso dahil umano sa pagkuha ng ilang personal gamit ng aktres.