Hindi maiwasan na madismaya si National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Rafael Calinisan dahil sa ginawang pagsisinungaling ng dalawang pulis na nakatalaga sa Manila Police District.
Sinabi ni Calinisan na malinaw na nagsinungaling sina Patrolman Jerome Toledo at Patrolman Algrene Alcause noong sabihin na nasira ang minamaneho nilang patrol car ng MPD.
Ang insidente ay may kaugnayan sa pagkalat ng video na hinarangan nila ang motorista sa kahabaan ng Taft. Avenue, sa Manila.
Makikita kasi sa video na hindi umabante ang patrol car kahit na naka-go na ang traffic lights.
Una ng sinuspende ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw ang lisnesya ng mga kapulisang sangkot.
Sinabi naman ni Calinisan na kaniyang pinag-aaralan kung ano ang kasong maaring maisampa sa mga kapulisan.
















