-- Advertisements --

Opisyal nang pinagtibay ng National Police Commission (Napolcom), Philippine National Police (PNP), at Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang isang bagong partnership na layong palakasin ang legal na edukasyon sa lahat ng antas ng pulisya, para mabawasan ang operational risks at mapabuti ang pamantayan ng law enforcement.

Sa isang memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan sa Quezon City, itinatag ang coordinated program na magbibigay ng tuloy-tuloy, napapanahon, at accessible na legal training sa mga pulis mula sa recruits hanggang sa senior commanders sa buong bansa.

Ayon kay IBP National President Atty. Allan Panolong, layunin ng programa na baguhin ang paraan ng pagtuturo ng batas sa pulisya mula sa sporadic at compliance-driven seminars tungo sa isang culture of continuous learning.

Kasama sa mga ituturo ang Constitutional law; Rules on searches and arrests; Custodial investigation; Lawful use of force at de-escalation; at Chain of custody.

Kasama din ang pinakabagong Supreme Court rulings na may epekto sa operasyon ng pulisya. Iba pang usapin tulad ng cybercrime, digital evidence, data privacy, at gender- at child-sensitive procedures

Gagamitin din ang blended learning modalities para maging accessible ang programa sa mga malalayong lugar at sa mga low connectivity environments.

May monitoring at evaluation measures din para maiwasan ang procedural lapses at legal violations.

Naglalayon pang gawing “law as shield, not hurdle”, na proteksyon ang programa ayon sa mga opisyal para sa kapakanan ng publiko at mga tropa ng kapulisan.