-- Advertisements --

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang apela para sa pansamantalang piyansa ni Ingrid Canada, co-accused ni Pastor Apollo Quiboloy, sa kasong qualified trafficking in persons.

Nilinaw ng korte na maraming procedural lapses ang nagawa kabilang ang huling paghahain ng petisyon at ipinadala sa pamamagitan ng private courier, na hindi kinikilala ng batas.

Hindi rin isinama ang People of the Philippines bilang indispensable party, hindi malinaw o hindi kumpletong kopya ng Petition for Bail at Motion for Reconsideration ang isinumite.

Matatandaan, nauna nang tinanggihan ng Pasig Court ang hiling ni Canada na makapagpiyansa, dahil may malakas na ebidensiya laban sa kaniya sa qualified human trafficking.

Ang reklamo ay inihain ng dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao na nagsabing siya ay seksuwal na inabuso noong 2014 nang 17 taong gulang pa lamang siya.