-- Advertisements --
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Philippine National Police (PNP) na palakasin pa ang kanilang police visibility sa mga kalye upang mapigilan ang anumang krimen at magpatupad ng isang unified emergency hotline para kaagad makapagresponde sa anumang insidente.
Sa podcast interview, ipinag-utos ng Pangulo sa Department of the Interior and Local Government at PNP na maging mas malapit sa mga tao at sa publiko.
Binigyang-diin ng Pangulo mahalaga ang presensiya ng mga pulis sa kalye dahil nagbibigay ito ng kumpiyansa sa mga tao na sila ay ligtas.
Napansin kasi ng Pangulo na sa kasalukuyang emergency numbers tila nagdudulot ito ng pagkalito kaya nais nito na magkaroon ng single crisis hotline or emergency hotlines.