-- Advertisements --
Hihirit ngayon ng major funding ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa Philippine men’s curling team.
Kasunod ito sa pagkakabulsa ng nasabing koponan sa katatapos na Asian Winter Games sa Harbin, China.
Sinabi ni POC president Abraham Tolentino, na kakausapin niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ukol sa nasabing paghingi ng pondo.
Dagdag pa nito na sariling pera ang ginagastos ng nasabing mga atletakaya mahalaga ang pagbibigay ng suportang pinansyal mula sa gobyerno.
Hindi aniya sapat ang P2-milyon na makukuha ng mga curling team na sina Marc at Enrico Pfister, Christian Haller, Allen Frei at Benjo Delamente mula sa insentibo ng gobyerno.