Lubos ang pasasalamat ni Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ibinigay nitong economic and moral support sa kanilang organisasyon.

Partikular na rito ang buwanang P25-million pesos hospitalization expenses program para bayaran ang medical expenses ang mga kapulisan sa buong bansa.

Ayon kay PNP chief, malaking tulong ang nasabing halaga para sa mga kapulisan ang ibinibigay na tulong ng Pangulo kaya mas lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang trabaho bilang mga tagapagpatupad ng batas.

Hindi naman sinabi ni Albayalde kung papaano gamitin ang nasabing pondo pero tiyak ito mapupunta para sa mga sugatang police personnel.

Hindi rin binanggit kung saan kukunin ng Pangulong Duterte ang ipinangakong P250million medical assistance para sa mga pulis.

Ibinida naman ni Albayalde ang pagbaba ng krimen sa buong bansa kumpara nuong nagdaang mga administration.

Determinado rin si PNP chief na magiging relentless ang kanilang internal cleansing campaign laban sa mga police scalawags na pumalo na sa mahigit 1,800 ang nasibak sa serbisyo mula sa higit 6,000 na sinampahan ng administrative case.

Aminado si Albayalde na nananatiling seryoso pa rin ang problema ng iligal na droga sa bansa, kahit lalo pa nilang pinalakas ang kanilang kampanya dito.

Tiniyak ng opisyal na suportado ng PNP ang surgical and chilling campaign ng pangulo sa illegal drugs.