-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na walang aarestuhin sa mga mahuhuling lumabag sa na “no vax, no ride policy”.

Ito ang nilinaw ni PNP Spokesperson Police Col. Roderick Augustus Alba sa ikalawang araw ng pagpapatupad ng naturang polisiya.

Ayon kay Col. Alba, wala pang inaresto ang PNP mula kahapon sa kabila ng pinalawak na presensya ng mga pulis sa mga lansangan para ipatupad ang pagbabawal sa mga pampublikong sasakyan ng mga hindi bakunado.

Ang pag-aresto aniya ay gagawin lang kung may ispesipikong paglabag sa batas ang mga offender.

Ang guidance aniya ng PNP sa mga pulis na tumutulong sa mga tauhan ng DoTR at LTFRB ay wag lang pasakayin ang mga commuter na walang maipakitang proof of vaccination.

Pero pinapayagan din tumuloy sa kanilang biyahe ang mga hindi bakunado na may balidong rason katulad ng kondisyong medikal o kung sila ay mag-aavail ng essential goods and services.

Naging mapayapa naman sa kabuuan ang unang araw ng pagpapatupad nito.


Umapela ang PNP sa publiko na sundin ang pinaiiral na panuntunan na ilabas ang vaccination cards o anumang katibayan na maaaring lumabas ng bahay upang maiwasan ang abala.