-- Advertisements --

Biyaheng Cambodia at Amerika si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa susunod na buwan.

Layon ng biyahe ng Pangulo upang palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas sa Cambodia at Amerika.

Kinumpirma ni Palace Press Officer USec. Claire Castro ang pag-biyahe ng pangulo sa Cambodia sa September 7 hanggang 9, para sa isang State Visit.

Ito na ang ikalawang beses na tutungo ang pangulo sa Cambodia, mula noong 2022, matapos ganapin sa Phnom Penh ang ika-40 at 41st ASEAN Summit.

Kinumpirma rin ng opisyal ang nakatakdang pagdalo ni Pangulong Marcos sa United Nations General Assembly (UNGA) sa Setyembre.

Ang high-level general debate, na dinadaluhan ng pinakamatataas na lider ng iba’t ibang bansa, ay nakatakda sa September 23 hanggang 27.

Ito rin ang ikalawang beses na dadalo ang pangulo sa UNGA, kung saan pangunahing paksa ang pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad.