-- Advertisements --
Naka-leave of absence ngayon si Police Gen. Nicolas Torre III matapos ang pagkakasibak niya bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi nito na sa mga susunod na lamang ng araw ay maglalabas ito ng pahayag pagkatapos ng kaniyang leave of absence.
Hindi naman nito binanggit kung hanggang kailan ang pagtatapos na kaniyang leave of absence.
Wala aniya itong anumang pagsisisi at sanay na siya na magpalipat-lipat ng puwesto.
Nais niya lamang mag-enjoy sa kaniyang leave ngayon kaya sinusulit niya ito.
Magugunitang pinalitan siya ni Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr nitong araw ng Martes.