-- Advertisements --

Hindi bababa sa limang bata ang pinagbabaril ng isang armadong suspek sa Annunciation Catholic School sa Minneapolis.

Ayon sa mga otoridad na agad nilang nirespondihan ang insidente matapos na makatanggap ng tawag.

Dinala sa pagamutan at nilalapatan ng lunas ang limang bata matapos na barilin.

Natagpuan naman ng mga otoridad na wala ng buhay na maaring nagpakamatay ang suspek.

Nasa lugar na ang FBI at ilang mga otoridad para magsagawa ng malalimang imbestigasyon.