-- Advertisements --
Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na bibigyan ng ibang posisyon sa gobyerno si dating PNP Chief Gen. Nicholas Torre III.
Sinabi ni Palace Press Officer USec. Claire Castro na hinihintay pa ang magiging tugon ni Torre sa alok ng Pangulo.
Kaya hindi pa aniya maisisiwalat ng Palasyo kung anong posisyon ito.
Binigyang-diin ni Castro na kailangang irespeto ang wisdom ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ginawang pagtanggal nito sa pwesto bilang hepe ng Pambansang Pulisya.
Inihayag din ni Castro na nagkausap naman aniya ang Pangulo at si Torre at naiiintindihan aniya ng opisyal ang naging pasya ng presidente.
Mariin namang itinanggi ng Palasyo ang pahayag ng Makabayan Bloc Lawmaker na mayruong internal conflicts sa administrayong Marcos.