-- Advertisements --

Itinanggi ng Malacañang na nasibak na sa puwesto si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na walang anumang inilabas na kautusan mula sa Office of the President o maging sa Executive Secretary na nagsususpendi kay Herbosa.

Tinawag naman ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na isang ‘fake news’ ang balitang kumalat na sinibak na sa puwesto si Herbosa.

Kasama pa nila ang Kalihim at ilang opisyal ng DOH na dumalo sa pagpapatawag mula sa House of Representatives.