BANAC 1
Brig. Gen. Bernard Banac

Tiniyak ng PNP na magiging patas at walang whitewash na mangyayari sa gagawing proseso sa pagsala sa pangalan ng mga pulis na pasok sa drug list, ngayong nagsimula na ang kanilang ginagawang evaluation at adjudication process.

-- Advertisement --

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, bibigyan ng due process ang lahat ng 357 mga pulis kaya’t ituturing silang mga inosente hangga’t hindi napapatunayang guilty.

Paliwanag pa ni Banac nais nilang lumabas ang katotohanan sa imbestigasyon kaya kung wala naman talagang pagkakasangkot sa iligal na droga ang pulis na nasa watchlist ay wala itong dapat ikabahala.

Nabatid na isang buwan ang ibinigay na palugit ni PNP chief Gen. Archie Gamboa sa adjudication board para tapusin ang pagsasala sa listahan.

Mula naman sa kabuuang 357 na mga pulis na idinadawit sa illegal drug trade, 15 na ang kumuha ng early retirement habang ang nasa 43 naman ang idineklarang AWOL.

Hanggang sa ngayon tikom pa rin ang bibig ng PNP kaugnay kay Lt. Col. Jovie Espinido.