-- Advertisements --
Naglabas ng memorandum ang Philippine National Police (PNP) ukol sa pagkakaroon ng mga tattoo ng mga personnel, applicants at maging ang mga kadete sa akademiya.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, na lamang ng PNP Memo 2024-023 na dapat magsumite ng affidavit na kanilang tatanggalin ang mga tattoo ng mga personnel na nakalantad.
Hindi aniya nila tatanggapin sa kanilang hanay ang sinumang mayroong tattoo.
Ilalahad nila sa affidavit kung anong uri ng tattoo ang mayroon sila at pagbabawalan nila na magkaroon ng tattoo na hindi natatakpan ng kanilang uniporme.
Bibigyan ang mga ito ng tatlong buwan para tanggalin ang mga tattoo at kung hindi magawa ay mahaharap ang mga ito ng administrative case.